《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。 * - 译解目录


含义的翻译 章: 阿拜萨   段:

‘Abasa

每章的意义:
تذكير الكافرين المستغنين عن ربهم ببراهين البعث.
Ang pagpapaalaala sa mga tagatangging sumampalataya, na nagwawalang-pangangailangan sa Panginoon nila, hinggil sa mga patotoo ng pagbubuhay.

عَبَسَ وَتَوَلَّىٰٓ
Nagpasimangot ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng mukha niya at umayaw
阿拉伯语经注:
أَن جَآءَهُ ٱلۡأَعۡمَىٰ
dahil sa pagdating ni `Abdullāh bin Ummi Maktūm, na nagpapagabay sa kanya. Ito ay isang bulag. Dumating ito sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – habang abala naman siya sa mga pinakamalaki sa mga tagapagtambal dahil sa pag-asa sa kapatnubayan nila.
阿拉伯语经注:
وَمَا يُدۡرِيكَ لَعَلَّهُۥ يَزَّكَّىٰٓ
Ano ang magpapaalam sa iyo, O Sugo, na sa gayon ang bulag na ito ay magpapakadalisay mula sa mga pagkakasala niya
阿拉伯语经注:
أَوۡ يَذَّكَّرُ فَتَنفَعَهُ ٱلذِّكۡرَىٰٓ
o mapangangaralan ng maririnig niya mula sa iyon na mga pangaral para makinabang siya sa mga ito?
阿拉伯语经注:
أَمَّا مَنِ ٱسۡتَغۡنَىٰ
Tungkol sa nag-akalang nakasasapat sa sarili niya dahil sa taglay niya na yaman para manampalataya pa sa inihatid mo,
阿拉伯语经注:
فَأَنتَ لَهُۥ تَصَدَّىٰ
ikaw ay humaharap sa kanya at lumalapit sa kanya.
阿拉伯语经注:
وَمَا عَلَيۡكَ أَلَّا يَزَّكَّىٰ
May aling bagay na dadapo sa iyo kapag hindi siya nagpakadalisay sa mga pagkakasala niya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob kay Allāh?
阿拉伯语经注:
وَأَمَّا مَن جَآءَكَ يَسۡعَىٰ
Tungkol naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi sa paghahanap ng kabutihan
阿拉伯语经注:
وَهُوَ يَخۡشَىٰ
habang siya ay natatakot sa Panginoon niya,
阿拉伯语经注:
فَأَنتَ عَنۡهُ تَلَهَّىٰ
ikaw ay nagpakaabala palayo sa kanya sa iba sa kanya kabilang sa mga pinakamalaking tao ng mga tagapagtambal.
阿拉伯语经注:
كَلَّآ إِنَّهَا تَذۡكِرَةٞ
Ang usapin ay hindi gayon. Ang mga [talatang] ito ay isang pangaral at isang pagpapaalaala lamang para sa sinumang tatanggap.
阿拉伯语经注:
فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ
kaya ang sinumang lumuob na mag-alaala kay Allāh ay mag-aalaala sa Kanya at mapangangaralan ng nasa Qur’ān na ito.
阿拉伯语经注:
فِي صُحُفٖ مُّكَرَّمَةٖ
Saka ang Qur'ān na ito ay nasa mga pahinang marangal sa ganang mga anghel,
阿拉伯语经注:
مَّرۡفُوعَةٖ مُّطَهَّرَةِۭ
na inangat sa isang lugar na mataas, na dinalisay na hindi dinadapuan ng isang karumihan ni isang kasalaulaan.
阿拉伯语经注:
بِأَيۡدِي سَفَرَةٖ
na ang mga ito ay nasa mga kamay ng mga sugo kabilang sa mga anghel,
阿拉伯语经注:
كِرَامِۭ بَرَرَةٖ
na mararangal sa ganang Panginoon nila, na mararami sa paggawa ng kabutihan at mga pagtalima.
阿拉伯语经注:
قُتِلَ ٱلۡإِنسَٰنُ مَآ أَكۡفَرَهُۥ
Sumpain ang taong tagatangging sumampalataya; anong tindi ng kawalang-pananampalataya nito kay Allāh!
阿拉伯语经注:
مِنۡ أَيِّ شَيۡءٍ خَلَقَهُۥ
Mula sa aling bagay lumikha nito si Allāh para magpakamalaki ito sa lupa at tumangging sumampalataya ito sa Kanya?
阿拉伯语经注:
مِن نُّطۡفَةٍ خَلَقَهُۥ فَقَدَّرَهُۥ
Mula sa likidong kaunti lumikha Siya nito saka nagtakda Siya sa paglikha rito sa isang yugto matapos ng isang yugto.
阿拉伯语经注:
ثُمَّ ٱلسَّبِيلَ يَسَّرَهُۥ
Pagkatapos ay nagpadali Siya para rito – matapos ng mga yugtong ito – ng paglabas mula sa tiyan ng ina nito.
阿拉伯语经注:
ثُمَّ أَمَاتَهُۥ فَأَقۡبَرَهُۥ
Pagkatapos, matapos na nagtakda Siya para rito ng haba ng buhay, ay nagbigay-kamatayan Siya rito at gumawa Siya para rito ng isang libingan na mananatili ito roon hanggang sa buhayin ito.
阿拉伯语经注:
ثُمَّ إِذَا شَآءَ أَنشَرَهُۥ
Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito para sa pagtutuos at pagganti.
阿拉伯语经注:
كَلَّا لَمَّا يَقۡضِ مَآ أَمَرَهُۥ
Ang usapin ay hindi gaya ng hinahaka-haka ng tagatangging sumampalataya na ito na ito raw ay nagsagawa ng tungkulin na kailangan dito para sa Panginoon nito. Ito ay hindi nagsagawa ng inobliga ni Allāh dito na mga tungkulin.
阿拉伯语经注:
فَلۡيَنظُرِ ٱلۡإِنسَٰنُ إِلَىٰ طَعَامِهِۦٓ
Kaya tumingin ang taong tagatangging sumampalataya kay Allāh sa pagkain nito na kinakain nito kung papaanong natamo nito –
阿拉伯语经注:
أَنَّا صَبَبۡنَا ٱلۡمَآءَ صَبّٗا
sapagkat ang pinanggalingan nito ay ang ulan na bumababa mula sa langit nang may kalakasan at kasaganahan,
阿拉伯语经注:
ثُمَّ شَقَقۡنَا ٱلۡأَرۡضَ شَقّٗا
pagkatapos bumasag Kami sa lupa kaya nabiyak ito para sa halaman,
阿拉伯语经注:
فَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا حَبّٗا
saka nagpatubo Kami rito ng mga butil mula sa trigo, mais, at iba sa mga ito,
阿拉伯语经注:
وَعِنَبٗا وَقَضۡبٗا
nagpatubo Kami rito ng ubas at halamang sariwa upang maging kumpay para sa mga hayop ninyo,
阿拉伯语经注:
وَزَيۡتُونٗا وَنَخۡلٗا
nagpatubo Kami rito ng oliba at datiles,
阿拉伯语经注:
وَحَدَآئِقَ غُلۡبٗا
nagpatubo Kami rito ng mga patanimang marami ang mga puno.
阿拉伯语经注:
وَفَٰكِهَةٗ وَأَبّٗا
nagpatubo Kami rito ng prutas at nagpatubo Kami rito ng kinakain ng mga hayop ninyo,
阿拉伯语经注:
مَّتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ
para sa pakikinabang ninyo at pakikinabang ng mga hayop ninyo.
阿拉伯语经注:
فَإِذَا جَآءَتِ ٱلصَّآخَّةُ
Ngunit kapag dumating ang sigaw na sukdulan na dadagundong sa mga tainga, ang ikalawang pag-ihip [sa tambuli],
阿拉伯语经注:
يَوۡمَ يَفِرُّ ٱلۡمَرۡءُ مِنۡ أَخِيهِ
sa Araw na pupuslit ang tao mula sa kapatid niya,
阿拉伯语经注:
وَأُمِّهِۦ وَأَبِيهِ
at tatakas siya mula sa ina niya at ama niya,
阿拉伯语经注:
وَصَٰحِبَتِهِۦ وَبَنِيهِ
at tatakas siya mula sa asawa niya at mga anak niya.
阿拉伯语经注:
لِكُلِّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ يَوۡمَئِذٖ شَأۡنٞ يُغۡنِيهِ
Ukol sa bawat isa kabilang sa kanila ay isang mag-aabala sa kanya palayo sa iba pa dahil sa tindi ng mga dalamhati sa Araw na iyon.
阿拉伯语经注:
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ مُّسۡفِرَةٞ
Ang mga mukha ng mga maligaya sa Araw na iyon ay tumatanglaw,
阿拉伯语经注:
ضَاحِكَةٞ مُّسۡتَبۡشِرَةٞ
na tumatawa na natutuwa dahil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na awa Niya.
阿拉伯语经注:
وَوُجُوهٞ يَوۡمَئِذٍ عَلَيۡهَا غَبَرَةٞ
Ang mga mukha ng mga malumbay sa Araw na iyon ay may alabok sa mga ito.
阿拉伯语经注:
这业中每段经文的优越:
• عتاب الله نبيَّه في شأن عبد الله بن أم مكتوم دل على أن القرآن من عند الله.
Ang pagpula ni Allāh sa Propeta Niya hinggil sa pumapatungkol kay `Abdullāh bin Ummi Maktūm ay nagpatunay na ang Qur'ān ay mula sa ganang kay Allāh.

• الاهتمام بطالب العلم والمُسْتَرْشِد.
Ang pagpapahalaga sa naghahanap ng kaalaman at nagpapagabay.

• شدة أهوال يوم القيامة حيث لا ينشغل المرء إلا بنفسه، حتى الأنبياء يقولون: نفسي نفسي.
Ang tindi ng mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon yayamang hindi maaabala ang tao maliban ng sarili niya, na pati ang mga propeta ay magsasabi: "Sarili ko, sarili ko [ang mahalaga]."

تَرۡهَقُهَا قَتَرَةٌ
May tataklob sa mga ito na isang dilim.
阿拉伯语经注:
أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَفَرَةُ ٱلۡفَجَرَةُ
Ang mga nailarawang iyon sa kalagayang iyon ay ang mga nagsama sa kawalang-pananampalataya at kasamaang-loob.
阿拉伯语经注:
这业中每段经文的优越:
• حَشْر المرء مع من يماثله في الخير أو الشرّ.
Ang pagkalap sa tao kasama sa nakatutulad sa kanya sa kabutihan at kasamaan.

• إذا كانت الموءُودة تُسأل فما بالك بالوائد؟ وهذا دليل على عظم الموقف.
Kapag ang batang babaing inilibing nang buhay at tatanungin, paano na ang naglibing ng buhay? Ito ay patunay sa kabigatan ng katayuan.

• مشيئة العبد تابعة لمشيئة الله.
Ang kalooban ng tao ay tagasunod ng kalooban ni Allāh.

 
含义的翻译 章: 阿拜萨
章节目录 页码
 
《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。 - 译解目录

菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。

关闭