Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Al-Wāqi‘ah   Ayah:
يَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ
May papaligid sa kanila para sa paglilingkod sa kanila na mga batang lalaki na hindi dadapuan ng pag-uulyanin ni pagkalipol.
Arabic explanations of the Qur’an:
بِأَكۡوَابٖ وَأَبَارِيقَ وَكَأۡسٖ مِّن مَّعِينٖ
Papaligid ang mga ito sa kanila nang may mga inumang walang mga hawakan, mga pitsel na may mga hawakan, at isang kopa ng isang alak na dumadaloy sa paraiso nang hindi natitigil.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَّا يُصَدَّعُونَ عَنۡهَا وَلَا يُنزِفُونَ
[Ito ay] hindi gaya ng alak sa Mundo sapagkat hindi nasusundan ang tagainom nito ng isang sakit ng ulo ni ng pagkaalis ng pang-unawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَفَٰكِهَةٖ مِّمَّا يَتَخَيَّرُونَ
Papaligid sa kanila ang mga batang ito nang may prutas mula sa napipili nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَحۡمِ طَيۡرٖ مِّمَّا يَشۡتَهُونَ
Papaligid ang mga ito nang may karne ng ibon kabilang sa ninanasa ng mga sarili nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَحُورٌ عِينٞ
Ukol sa kanila sa paraiso ay mga babaing malalapad ang mga mata sa karikitan,
Arabic explanations of the Qur’an:
كَأَمۡثَٰلِ ٱللُّؤۡلُوِٕ ٱلۡمَكۡنُونِ
na gaya ng mga tulad ng mga mutyang pinangangalagaan sa mga kabibe ng mga ito.
Arabic explanations of the Qur’an:
جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
[Ito ay] bilang gantimpala para sa kanila dahil sa dati nilang ginagawa na mga gawang maayos sa Mundo.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوٗا وَلَا تَأۡثِيمًا
Hindi sila makaririnig sa paraiso ng isang mahalay na mahalay sa pananalita ni ng nagdudulot sa tao ng isang kasalanan.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِلَّا قِيلٗا سَلَٰمٗا سَلَٰمٗا
Hindi sila makaririnig maliban sa pagbati ng mga anghel sa kanila at pagbati nila sa isa't isa!
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡيَمِينِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡيَمِينِ
Ang mga kasamahan ng kanan na bibigyan ng talaan nila sa mga kanang kamay nila ay kay dakila ng kalagayan nila at pumapatungkol sa kanila sa ganang kay Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
فِي سِدۡرٖ مَّخۡضُودٖ
[Sila ay] nasa mga [puno ng] Sidrah na pinutol ang mga tinik, na walang nakasasakit doon,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَطَلۡحٖ مَّنضُودٖ
at mga [punong] saging na nagkatumpuk-tumpok na inihanay ang isa't isa [sa mga bunga],
Arabic explanations of the Qur’an:
وَظِلّٖ مَّمۡدُودٖ
at sa lilim na inilatag na nagpapatuloy na hindi naglalaho,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآءٖ مَّسۡكُوبٖ
at tubig na umaagos nang hindi humihintu-hinto,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَفَٰكِهَةٖ كَثِيرَةٖ
at prutas na marami na hindi nalilimitahan,
Arabic explanations of the Qur’an:
لَّا مَقۡطُوعَةٖ وَلَا مَمۡنُوعَةٖ
hindi napuputol sa kanila magpakailanman sapagkat wala ritong panahon, at walang magbabalakid dito na isang tagahadlang sa alinmang oras na nagnais sila nito,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَفُرُشٖ مَّرۡفُوعَةٍ
at sa mga higaan iniangat na nakataas na nakalagay sa mga kama.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّآ أَنشَأۡنَٰهُنَّ إِنشَآءٗ
Tunay na Kami ay nagpaluwal sa mga dilag na nabanggit sa isang pagpapaluwal na hindi nakagawian,
Arabic explanations of the Qur’an:
فَجَعَلۡنَٰهُنَّ أَبۡكَارًا
saka gumawa Kami sa kanila bilang mga birhen na hindi pa nasasaling,
Arabic explanations of the Qur’an:
عُرُبًا أَتۡرَابٗا
na mga maibigin sa mga asawa nila, na magkakapantay sa gulang.
Arabic explanations of the Qur’an:
لِّأَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ
Nagpaluwal Kami sa kanila para sa mga kasamahan sa kanan, na mga kukunin sa gawing kanan bilang palatandaan ng kaligayahan nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ
Sila ay isang pangkat mula sa mga kalipunan ng mga propetang nauna
Arabic explanations of the Qur’an:
وَثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأٓخِرِينَ
at isang pangkat mula sa kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ito ang panghuli sa mga kalipunan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَصۡحَٰبُ ٱلشِّمَالِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلشِّمَالِ
Ang mga kasamahan ng kaliwa na bibigyan ng talaan nila sa mga kaliwang kamay nila ay kay sagwa ng lagay nila at hantungan nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
فِي سَمُومٖ وَحَمِيمٖ
[Sila ay] nasa mga hanging matindi ang init at nasa tubig na matindi ang init,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَظِلّٖ مِّن يَحۡمُومٖ
at nasa isang lilim ng usok na pinaitim,
Arabic explanations of the Qur’an:
لَّا بَارِدٖ وَلَا كَرِيمٍ
hindi kaaya-aya ang ihip at hindi maganda ang makikita.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَٰلِكَ مُتۡرَفِينَ
Tunay na sila dati bago ng sinapit nila na pagdurusa ay mga nagtatamasa sa Mundo; walang alalahanin para sa kanila kundi ang mga nasa nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَكَانُواْ يُصِرُّونَ عَلَى ٱلۡحِنثِ ٱلۡعَظِيمِ
Sila dati ay naggigiit sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagsamba sa mga anito bukod pa sa Kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَكَانُواْ يَقُولُونَ أَئِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ
Sila dati ay nagkakaila sa pagbubuhay saka nagsasabi bilang pangungutya at pagtuturing ng kaimposiblehan niyon: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga butong bulok, bubuhayin ba Kami matapos niyon,
Arabic explanations of the Qur’an:
أَوَءَابَآؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ
at bubuhayin ba ang mga ninuno naming sinauna na namatay bago namin?"
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ إِنَّ ٱلۡأَوَّلِينَ وَٱلۡأٓخِرِينَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagkailang ito sa pagbubuhay: "Tunay na ang mga sinauna sa mga tao at ang mga nahuli sa kanila
Arabic explanations of the Qur’an:
لَمَجۡمُوعُونَ إِلَىٰ مِيقَٰتِ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ
ay talagang titipunin sa Araw ng Pagbangon nang walang pasubali para sa pagtutuos at pagganti."
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• العمل الصالح سبب لنيل النعيم في الآخرة.
Ang gawang maayos ay isang kadahilanan sa pagtamo ng kaginhawahan sa Kabilang-buhay.

• الترف والتنعم من أسباب الوقوع في المعاصي.
Ang kariwasaan at ang pagpapakaginhawa ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkasadlak sa mga pagsuway.

• خطر الإصرار على الذنب.
Ang panganib ng pagpupumilit sa pagkakasala.

 
Translation of the meanings Surah: Al-Wāqi‘ah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close