Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-A‘rāf   Ayah:
حَقِيقٌ عَلَىٰٓ أَن لَّآ أَقُولَ عَلَى ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡحَقَّۚ قَدۡ جِئۡتُكُم بِبَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ فَأَرۡسِلۡ مَعِيَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ
Karapat-dapat na hindi ako magsabi tungkol kay Allāh malibang ng totoo. Nagdala nga ako sa inyo ng isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo kaya ipadala mo kasama sa akin ang mga anak ni Israel.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ إِن كُنتَ جِئۡتَ بِـَٔايَةٖ فَأۡتِ بِهَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Nagsabi ito:[12] “Kung ikaw ay nagdala ng isang tanda, maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.”
[12] Ibig sabihin: si Paraon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَلۡقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعۡبَانٞ مُّبِينٞ
Kaya pumukol siya[13] ng tungkod niya at biglang ito ay isang ulupong na malinaw.
[13] si Moises.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَنَزَعَ يَدَهُۥ فَإِذَا هِيَ بَيۡضَآءُ لِلنَّٰظِرِينَ
Humugot siya ng kamay niya at biglang ito ay maputi para sa mga tagatingin.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِ فِرۡعَوۡنَ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٌ عَلِيمٞ
Nagsabi ang konseho kabilang sa mga tao ni Paraon: “Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يُرِيدُ أَن يُخۡرِجَكُم مِّنۡ أَرۡضِكُمۡۖ فَمَاذَا تَأۡمُرُونَ
Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo kaya ano ang ipag-uutos ninyo?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالُوٓاْ أَرۡجِهۡ وَأَخَاهُ وَأَرۡسِلۡ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ
Nagsabi sila: “Mag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya at magsugo ka sa mga lungsod ng mga tagakalap,
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَأۡتُوكَ بِكُلِّ سَٰحِرٍ عَلِيمٖ
na magdadala sa iyo ng bawat manggaway na maalam.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَجَآءَ ٱلسَّحَرَةُ فِرۡعَوۡنَ قَالُوٓاْ إِنَّ لَنَا لَأَجۡرًا إِن كُنَّا نَحۡنُ ٱلۡغَٰلِبِينَ
Dumating ang mga manggagaway kay Paraon. Nagsabi sila: “Tunay na mayroon kami talagang pabuya kung kami ay ang mga tagapanaig.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ نَعَمۡ وَإِنَّكُمۡ لَمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ
Nagsabi iyon: “Oo, at tunay na kayo ay talagang kabilang sa mga inilapit [sa akin].”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلۡقِيَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ نَحۡنُ ٱلۡمُلۡقِينَ
Nagsabi sila: “O Moises, maaari na pumukol ka at maaari na maging kami mismo ang mga tagapukol.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ أَلۡقُواْۖ فَلَمَّآ أَلۡقَوۡاْ سَحَرُوٓاْ أَعۡيُنَ ٱلنَّاسِ وَٱسۡتَرۡهَبُوهُمۡ وَجَآءُو بِسِحۡرٍ عَظِيمٖ
Nagsabi siya: “Pumukol kayo.” Kaya noong pumukol sila ay gumaway sila sa mga mata ng mga tao, nagpangilabot sila sa mga ito, at naghatid sila ng isang panggagaway na sukdulan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَلۡقِ عَصَاكَۖ فَإِذَا هِيَ تَلۡقَفُ مَا يَأۡفِكُونَ
Nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: “Pumukol ka ng tungkod mo,” kaya biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَوَقَعَ ٱلۡحَقُّ وَبَطَلَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Kaya napagtibay ang katotohanan at napawalang-saysay ang dati nilang ginagawa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَغُلِبُواْ هُنَالِكَ وَٱنقَلَبُواْ صَٰغِرِينَ
Kaya nadaig sila[14] roon at umuwi na mga nanliliit.
[14] Ibig sabihin: sina Paraon at ang mga alagad niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سَٰجِدِينَ
Ipinukol ang mga manggagaway, na mga nakapatirapa [kay Allāh].
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-A‘rāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara