Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-A‘rāf   Ayah:
إِنَّ وَلِـِّۧيَ ٱللَّهُ ٱلَّذِي نَزَّلَ ٱلۡكِتَٰبَۖ وَهُوَ يَتَوَلَّى ٱلصَّٰلِحِينَ
Tunay na ang Katangkilik ko ay si Allāh na nagbaba ng Aklat. Siya ay tumatangkilik sa mga maayos.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَكُمۡ وَلَآ أَنفُسَهُمۡ يَنصُرُونَ
Ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nakakakaya ng pag-aadya sa inyo at hindi sa mga sarili nila nag-aadya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِن تَدۡعُوهُمۡ إِلَى ٱلۡهُدَىٰ لَا يَسۡمَعُواْۖ وَتَرَىٰهُمۡ يَنظُرُونَ إِلَيۡكَ وَهُمۡ لَا يُبۡصِرُونَ
Kung mag-aanyaya kayo sa kanila sa patnubay ay hindi sila makaririnig. Nakakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo samantalang sila ay hindi nakakikita.
Ang mga Tafsir na Arabe:
خُذِ ٱلۡعَفۡوَ وَأۡمُرۡ بِٱلۡعُرۡفِ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡجَٰهِلِينَ
Tumanggap ka ng paumanhin, mag-utos ka ng nakabubuti, at umayaw ka sa mga mangmang.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِمَّا يَنزَغَنَّكَ مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ نَزۡغٞ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِۚ إِنَّهُۥ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
Kung may magbubuyo nga naman sa iyo mula sa demonyo na isang pambubuyo ay humiling ka ng pagkukupkop ni Allāh. Tunay na Siya ay Madinigin, Maalam.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ إِذَا مَسَّهُمۡ طَٰٓئِفٞ مِّنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ تَذَكَّرُواْ فَإِذَا هُم مُّبۡصِرُونَ
Tunay na ang mga nangilag magkasala, kapag may sumaling sa kanila na isang udyok mula sa demonyo ay nagsasaalaala sila kaya biglang sila ay mga nakakikita.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِخۡوَٰنُهُمۡ يَمُدُّونَهُمۡ فِي ٱلۡغَيِّ ثُمَّ لَا يُقۡصِرُونَ
Ang mga kapatid [ng mga demonyo] ay umaayuda sa kanila [ang mga demonyo] sa pagkalisya, pagkatapos hindi nagkukulang.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَا لَمۡ تَأۡتِهِم بِـَٔايَةٖ قَالُواْ لَوۡلَا ٱجۡتَبَيۡتَهَاۚ قُلۡ إِنَّمَآ أَتَّبِعُ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ مِن رَّبِّيۚ هَٰذَا بَصَآئِرُ مِن رَّبِّكُمۡ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Kapag hindi ka naglahad sa kanila ng isang tanda [na hiniling nila] ay nagsasabi sila: “Bakit kasi hindi ka kumatha-katha nito.” Sabihin mo: “Sumusunod lamang ako sa ikinakasi sa akin mula sa Panginoon ko. Ito ay mga pagkawari mula sa Panginoon ninyo, isang patnubay, at isang awa para sa mga taong sumasampalataya.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَا قُرِئَ ٱلۡقُرۡءَانُ فَٱسۡتَمِعُواْ لَهُۥ وَأَنصِتُواْ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Kapag binigkas ang Qur’ān ay makinig kayo roon at manahimik kayo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱذۡكُر رَّبَّكَ فِي نَفۡسِكَ تَضَرُّعٗا وَخِيفَةٗ وَدُونَ ٱلۡجَهۡرِ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ بِٱلۡغُدُوِّ وَٱلۡأٓصَالِ وَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡغَٰفِلِينَ
Alalahanin mo [O Propeta] ang Panginoon mo sa sarili mo nang may pagpapakumbaba at pangamba at walang kalakasan sa pagsasabi, sa mga umaga at mga hapon, at huwag kang maging kabilang sa mga nalilingat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ عِندَ رَبِّكَ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ عَنۡ عِبَادَتِهِۦ وَيُسَبِّحُونَهُۥ وَلَهُۥ يَسۡجُدُونَۤ۩
Tunay na ang mga [anghel] sa piling ng Panginoon mo ay hindi nagmamalaki [sa pagtanggi] sa pagsamba sa Kanya, nagluluwalhati sa Kanya, at sa Kanya nagpapatirapa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-A‘rāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara