Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-A‘rāf   Ayah:
قَالَا رَبَّنَا ظَلَمۡنَآ أَنفُسَنَا وَإِن لَّمۡ تَغۡفِرۡ لَنَا وَتَرۡحَمۡنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Nagsabi silang dalawa: “Panginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga lugi.”[3]
[3] Nasa sa Qur’an 2:337 na pinatawad ni Allāh sina Adan sa unang pagkakasala nila kaya walang manang kasalanan sa Islam.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ ٱهۡبِطُواْ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوّٞۖ وَلَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُسۡتَقَرّٞ وَمَتَٰعٌ إِلَىٰ حِينٖ
Nagsabi Siya: “Lumapag kayo;[4] ang iba sa inyo para sa iba ay kaaway. Ukol sa inyo sa lupa ay isang pinagtitigilan at isang natatamasa hanggang sa isang panahon.”
[4] Ibig sabihin: Lumpag kayo, Adan, Eva, at Satanas, mula sa Paraiso patungo sa lupa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ فِيهَا تَحۡيَوۡنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنۡهَا تُخۡرَجُونَ
Nagsabi Siya: “Sa loob niyon mabubuhay kayo, sa loob niyon mamamatay kayo, at mula roon ilalabas kayo [para buhayin].
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ قَدۡ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكُمۡ لِبَاسٗا يُوَٰرِي سَوۡءَٰتِكُمۡ وَرِيشٗاۖ وَلِبَاسُ ٱلتَّقۡوَىٰ ذَٰلِكَ خَيۡرٞۚ ذَٰلِكَ مِنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ لَعَلَّهُمۡ يَذَّكَّرُونَ
O mga anak ni Adan, nagpababa nga Kami sa inyo ng kasuutan na magbabalot sa kahubaran ninyo at bilang gayak. Ang kasuutan ng pangingilag magkasala, iyon ay higit na mabuti. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ لَا يَفۡتِنَنَّكُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ كَمَآ أَخۡرَجَ أَبَوَيۡكُم مِّنَ ٱلۡجَنَّةِ يَنزِعُ عَنۡهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوۡءَٰتِهِمَآۚ إِنَّهُۥ يَرَىٰكُمۡ هُوَ وَقَبِيلُهُۥ مِنۡ حَيۡثُ لَا تَرَوۡنَهُمۡۗ إِنَّا جَعَلۡنَا ٱلشَّيَٰطِينَ أَوۡلِيَآءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ
O mga anak ni Adan, huwag ngang tutukso sa inyo ang demonyo yayamang nagpalabas siya sa mga magulang ninyo mula sa Paraiso habang nag-aalis sa kanilang dalawa ng kasuutan nilang dalawa upang magpakita siya sa kanilang dalawa ng kahubaran nilang dalawa. Tunay na siya ay nakakikita sa inyo, siya at ang mga kampon niya, mula sa kung saan hindi kayo nakakikita sa kanila. Tunay na Kami ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَا فَعَلُواْ فَٰحِشَةٗ قَالُواْ وَجَدۡنَا عَلَيۡهَآ ءَابَآءَنَا وَٱللَّهُ أَمَرَنَا بِهَاۗ قُلۡ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَأۡمُرُ بِٱلۡفَحۡشَآءِۖ أَتَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Kapag gumawa sila ng isang malaswa ay magsasabi sila: “Nakatagpo kami sa gayon sa mga magulang namin at si Allāh ay nag-utos sa amin niyon.” Sabihin mo: “Tunay na si Allāh ay hindi nag-uutos ng kalaswaan; nagsasabi ba kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ أَمَرَ رَبِّي بِٱلۡقِسۡطِۖ وَأَقِيمُواْ وُجُوهَكُمۡ عِندَ كُلِّ مَسۡجِدٖ وَٱدۡعُوهُ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَۚ كَمَا بَدَأَكُمۡ تَعُودُونَ
Sabihin mo: “Nag-utos ang Panginoon ko ng pagkamakatarungan, at na magpanatili kayo ng mga mukha ninyo sa bawat patirapaan at manalangin kayo sa Kanya habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Kung paanong nagsimula Siya sa inyo, [gayon] kayo manunumbalik [bilang mga buhay].”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَرِيقًا هَدَىٰ وَفَرِيقًا حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلضَّلَٰلَةُۚ إِنَّهُمُ ٱتَّخَذُواْ ٱلشَّيَٰطِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ
May isang pangkat na pinatnubayan Niya at may isang pangkat na nagindapat sa kanila ang kaligawan. Tunay na sila ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik bukod pa kay Allāh at nag-aakala na mga napapatnubayan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-A‘rāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara