Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-A‘rāf   Ayah:
وَٱلۡبَلَدُ ٱلطَّيِّبُ يَخۡرُجُ نَبَاتُهُۥ بِإِذۡنِ رَبِّهِۦۖ وَٱلَّذِي خَبُثَ لَا يَخۡرُجُ إِلَّا نَكِدٗاۚ كَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَشۡكُرُونَ
Ang bayang kaaya-aya ay lumalabas ang tanim nito ayon sa pahintulot ng Panginoon nito at ang naging karima-rimarim ay hindi lumalabas ito kundi pahirapan. Gayon Kami nagsarisari ng mga tanda para sa mga taong nagpapasalamat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kababayan niya, saka nagsabi siya: “O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِهِۦٓ إِنَّا لَنَرَىٰكَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Nagsabi ang konseho kabilang sa mga kalipi niya: “Tunay na kami ay talagang nakakikita sa iyo sa isang pagkaligaw na malinaw.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ يَٰقَوۡمِ لَيۡسَ بِي ضَلَٰلَةٞ وَلَٰكِنِّي رَسُولٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi siya:[8] “O mga kalipi ko, walang kaligawan sa akin, subalit ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang.
[8] Ibig sabihin: si Noe.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أُبَلِّغُكُمۡ رِسَٰلَٰتِ رَبِّي وَأَنصَحُ لَكُمۡ وَأَعۡلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Nagpapaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko, nagpapayo ako sa inyo, at nakaaalam ako mula kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَوَعَجِبۡتُمۡ أَن جَآءَكُمۡ ذِكۡرٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَلَىٰ رَجُلٖ مِّنكُمۡ لِيُنذِرَكُمۡ وَلِتَتَّقُواْ وَلَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Namangha ba kayo na may dumating sa inyo na isang paalaala mula sa Panginoon ninyo dala ng isang lalaking kabilang sa inyo upang magbabala siya sa inyo, upang mangilag kayong magkasala, at nang sa gayon kayo ay kaaawaan?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَكَذَّبُوهُ فَأَنجَيۡنَٰهُ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥ فِي ٱلۡفُلۡكِ وَأَغۡرَقۡنَا ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمًا عَمِينَ
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya, kaya pinaligtas Namin siya at ang mga kasama sa kanya sa daong at nilunod Namin ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Tunay na sila noon ay mga taong bulag.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمۡ هُودٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ
[Nagsugo sa liping] `Ād ng kapatid nilang si Hūd. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦٓ إِنَّا لَنَرَىٰكَ فِي سَفَاهَةٖ وَإِنَّا لَنَظُنُّكَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: “Tunay na kami ay talagang nakakikita sa iyo sa isang kahunghangan at tunay na kami ay nakatitiyak sa iyo na kabilang sa mga sinungaling.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ يَٰقَوۡمِ لَيۡسَ بِي سَفَاهَةٞ وَلَٰكِنِّي رَسُولٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi siya:[9] “O mga kalipi ko, walang kahunghangan sa akin subalit ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang.
[9] Ibig sabihin: si Propeta Hūd.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-A‘rāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara