Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-A‘rāf   Ayah:
قَالَ مَا مَنَعَكَ أَلَّا تَسۡجُدَ إِذۡ أَمَرۡتُكَۖ قَالَ أَنَا۠ خَيۡرٞ مِّنۡهُ خَلَقۡتَنِي مِن نَّارٖ وَخَلَقۡتَهُۥ مِن طِينٖ
Nagsabi Siya: “Ano ang pumigil sa iyo na hindi ka magpatirapa noong nag-utos Ako sa iyo?” Nagsabi ito: “Ako ay higit na mainam kaysa sa kanya. Lumikha Ka sa akin mula sa apoy samantalang lumikha Ka sa kanya mula sa putik.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ فَٱهۡبِطۡ مِنۡهَا فَمَا يَكُونُ لَكَ أَن تَتَكَبَّرَ فِيهَا فَٱخۡرُجۡ إِنَّكَ مِنَ ٱلصَّٰغِرِينَ
Nagsabi Siya: “Kaya lumapag ka mula rito sapagkat hindi nagiging ukol sa iyo na magpakamalaki rito. Kaya lumabas ka; tunay na ikaw ay kabilang sa mga nanliliit.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ أَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
Nagsabi ito: “Magpaliban Ka sa akin hanggang sa araw na bubuhayin sila.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ إِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ
Nagsabi Siya: “Tunay na ikaw ay kabilang sa mga ipagpapaliban.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ فَبِمَآ أَغۡوَيۡتَنِي لَأَقۡعُدَنَّ لَهُمۡ صِرَٰطَكَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ
Nagsabi ito: “Kaya dahil nagpalisya Ka sa akin, talagang mag-aabang nga ako sa kanila sa landasin Mong tuwid.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ لَأٓتِيَنَّهُم مِّنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ وَعَنۡ أَيۡمَٰنِهِمۡ وَعَن شَمَآئِلِهِمۡۖ وَلَا تَجِدُ أَكۡثَرَهُمۡ شَٰكِرِينَ
Pagkatapos talagang pupunta nga ako sa kanila sa harapan nila at sa likuran nila at sa dakong mga kanan nila at sa dakong mga kaliwa nila. Hindi Ka makatatagpo sa higit na marami sa kanila bilang mga tagapagpasalamat.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ ٱخۡرُجۡ مِنۡهَا مَذۡءُومٗا مَّدۡحُورٗاۖ لَّمَن تَبِعَكَ مِنۡهُمۡ لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنكُمۡ أَجۡمَعِينَ
Nagsabi Siya: “Lumabas ka mula rito bilang nilalait na pinalalayas. Talagang ang sinumang sumunod sa iyo kabilang sa kanila ay talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno mula sa inyo nang magkakasama.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَٰٓـَٔادَمُ ٱسۡكُنۡ أَنتَ وَزَوۡجُكَ ٱلۡجَنَّةَ فَكُلَا مِنۡ حَيۡثُ شِئۡتُمَا وَلَا تَقۡرَبَا هَٰذِهِ ٱلشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ
O Adan, manahan ka at ang asawa mo sa Paraiso, saka kumain kayong dalawa mula saanman ninyo loobin ngunit huwag kayong dalawa lumapit sa punong-kahoy na ito para kayong dalawa ay [hindi] maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَوَسۡوَسَ لَهُمَا ٱلشَّيۡطَٰنُ لِيُبۡدِيَ لَهُمَا مَا وُۥرِيَ عَنۡهُمَا مِن سَوۡءَٰتِهِمَا وَقَالَ مَا نَهَىٰكُمَا رَبُّكُمَا عَنۡ هَٰذِهِ ٱلشَّجَرَةِ إِلَّآ أَن تَكُونَا مَلَكَيۡنِ أَوۡ تَكُونَا مِنَ ٱلۡخَٰلِدِينَ
Ngunit nagpasaring sa kanilang dalawa ang demonyo upang magtambad siya sa kanilang dalawa ng binalot para sa kanilang dalawa mula sa kahubaran nilang dalawa. Nagsabi siya: “Hindi sumaway sa inyong dalawa ang Panginoon ninyong dalawa laban sa punong-kahoy na ito maliban na kayong dalawa ay maging mga anghel o kayong dalawa ay maging kabilang sa mga nananatiling-buhay.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَاسَمَهُمَآ إِنِّي لَكُمَا لَمِنَ ٱلنَّٰصِحِينَ
Nakipagsumpaan siya sa kanilang dalawa: “Tunay na ako para sa inyong dalawa ay kabilang sa mga tagapagpayo.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَدَلَّىٰهُمَا بِغُرُورٖۚ فَلَمَّا ذَاقَا ٱلشَّجَرَةَ بَدَتۡ لَهُمَا سَوۡءَٰتُهُمَا وَطَفِقَا يَخۡصِفَانِ عَلَيۡهِمَا مِن وَرَقِ ٱلۡجَنَّةِۖ وَنَادَىٰهُمَا رَبُّهُمَآ أَلَمۡ أَنۡهَكُمَا عَن تِلۡكُمَا ٱلشَّجَرَةِ وَأَقُل لَّكُمَآ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ لَكُمَا عَدُوّٞ مُّبِينٞ
Kaya nagpamithi siya sa kanilang dalawa dahil sa isang pagkalinlang. Kaya noong nakatikim silang dalawa sa [bunga ng] punong-kahoy ay natambad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa at nagsimula silang dalawa na magkapit sa kanilang dalawa ng mula sa mga dahon ng Paraiso. Nanawagan sa kanilang dalawa ang Panginoon nilang dalawa: “Hindi ba Ako sumaway sa inyong dalawa laban sa punong-kahoy na iyon at nagsabi sa inyong dalawa: Tunay na ang demonyo para sa inyong dalawa ay isang kaaway na malinaw?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-A‘rāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara